Dahil Araw ng Kalayaan ngayon, Filipino muna ang gamit kong salita. Yehey! :)
Una sa lahat, Maligayng Bati sa aking pinsan na si Jon! :) Malayo na rin ang narating nating lahat dahil ang tatanda na natin. Ay, hindi pa naman pala talaga, hehehe. Gusto kong magpasalamat sa kanya dahil malaki ang impluwensiya ni Jon sa akin. Nung bata pa kami, lagi niya akong kinakawawa, hahaha (biro lang, pero alam niya naman na totoo yun :p). Pero siyempre, dati lang yun, tsaka marami din naman kaming masasayang karanasan noong mga bata pa kami (nyahaha! parang and tanda na talaga natin noh? :p). Ngayon, marami siyang itinutulong sa akin. Kahit papano ay naghahanap din naman ako minsan ng taong mahihingan ng payo o kumbaga 'Kuya figure' kasi hindi rin naman madali ang maging panganay. Masasabi kong napupunan niya ang posisyong iyon kahit papanu at dahil dun lubos akong nagpapasalamat sa kanya.
Thank you, Jon at Happy Birthday ulit! :)
(hahaha, ewan ko lang kung mabasa mo ito pero okay lang din :p)
Okay, anu bang mga bagay ang nangyari ngayong araw? Libre daw ang mga MRT at LRT ngayong araw kaso nga lang ay may mga piling oras lamang para doon. Sa kasamaang palad ay hindi ko inabutan ang mga oras na iyon. Hayyyy malas :p
Dahil napunta na rin lamang ang usapan sa MRT, tumatak sa kokote ko ang isang napakagandang pangitain kanikanina lang habang pauwi ako. Dahil kasama ko ang aking kaibigang si Dominic, hindi ako pumunta sa bahagi ng MRT na pang babae lamang. Tiis ako sa pagtayo hanggang sa GMA station..(tapos si Dom, hanggang Ayala lang, haha.). Balik tayo sa usapan.. Noong bumaba na sa Dom sa Ayala, marami mga tao ang pumasok sa tren (Oo, sobrang nakakaharas!! hahaha!). Kasama sa mga sumakay ang mag-jowa na siyang ikwekwento ko sa inyo.
Dahil masikip nga, napilitan kaming lahat maglaro ng Twister nang walang mat at wala sa oras. Kasama dito ang mag-jowang nasa harapan ko. Halos langgamin naman silang dalawa sa posisyon nila noh. Nasa likod yung babae tapos nakayakap siya dun sa lalaki. Tapos ang init, init pa. Pawisan, o di ba? Pwede nang gawan ng sine!! Hahaha.
Dahil nga masikip, hindi ko naman maiwasang hindi tumingin sa kanila noh. Hindi ko makita nung una yung mukha nung babae (kasi nakasandal nga siya sa jowa niya) pero maputi siya at medyo payatin. Hindi rin naman ganun kasama yung itsura nung lalaki. Dahil nga sa nilalanggam sila sa posisyon nila at wala rin naman akong magawa, nagpasya akong abangan ang paglingon nung babae para makita ko man lang kung 'match made in heaven' sila.
Nung nasa may Ortigas/Santolan na, medyo lumuwang na ng konti at gumalaw na silang dalawa. Ayan na. Nakita ko na yung babae at nasabi ko na lang sa sarili ko...
"Sinasabi ko na nga ba! Walanjo naman itong mag-jowang ito! Parehong Adan!!"
So ayun..'match made in heaven' nga sila..hindi ko lang alam kung anung dimensyon ng heaven iyon pero good luck na lang sa kanila. Eh sa doon sila masaya eh. Pagbutihin pa sana nila ang winning pose nila.
Nakakapanginig... :p
Kayo na lang mag-isip kung anung pamagat ng sine nilang dalawa :p
Magandang gabi! :D
Labels: Jon, kalayaan, mrt, Taglish mode