OKAY, na badtrip ako. Kala ko auto-saved yung mga sinulat ko. Ang haba na nun eh biglang nawala pa. BADTRIP talaga.
Sige na nga, simulan natin ulit.
Oo, Sunday na ulit. Hayyy naku. Natapos nanaman ang isang weekend (ang sad!).
Ewan ko ba, hindi naman ako ganito dati. Gusto ko nga na weekday kasi may mga bago na ulit na mangyayari. Pero ewan ko. Siguro na-overload ako sa kung anu-anung mga bagay. Hindi ko alam. Boring kasi ang buhay ko. Walang bago at walang direksyon. Hmmmm...meron naman siguro pero sa ngayon, malabo pa ang mga bagay bagay para sa akin.
Someone please rescue me.
(oo, madrama..alam ko.)
Nandito sila Mommy kanina. Nag-reunion sila ng mga kamag-anak nila sa side ni Lola. Medyo malayu-layo na yun sa family tree kaya hindi ko sila kilala. Syempre, kasama pa rin kaming mga magpipinsan, ang mahal na mga anak, hahaha. At syempre din, na-bore kami. Wala kasi kaming ka-generation dun eh at kung meron man, hindi naman siguro maaasahan na friendly-friendly at closey-closey kami. Hindi nga kasi kami magkakakilala. Kahit pa sabihin na Family sila, awkward pa rin.
Mabuti na lang eh may swing doon. Anu nga ba ang swing sa Tagalog? Duyan? Hindi rin eh, pero siguro pwede na rin. Nasa ilalim ng puno yung swing kaya kahit medyo may kainitan eh okay lang din. Medyo hindi matibay yung swing kaya medyo nakakatakot kasi alam naman natin na mabigat ako kami (in denial! haha :p). Masaya naman mag-swing. Bata pa lang ako ay mahilig na ako dun. Masaya din kanina habang nagsi-swing dahil nahulog si Katrina, hahaha. Mabuti na rin sa kanya kasi kahit ganun, si Enzo lang din yung nakakita. Naka-recover na siya nung tumingin kami ng mga pinsan ko, hahaha. Sayang! :p
(Joke lang Chi :p ok lang, natawa ka naman din eh.)
***Note: Hanggang dito na yung naitype ko nung nawala lahat. Medyo naiba na yung laman kasi ang hirap naman atang i-duplicate nung nauna kong ginawa noh! hehe..(end of Note)***
Anyway, balik tayo sa usapang Family. Nakakanas na ba kayo na yung tito/tita nyo eh mas bata pa sa inyo (as in toddler pa), o di kaya, yung pinsan nyo eh mas matanda pa sa nanay nyo (as in yung pwede nang lola/lolo)? Ayun, ganun ang mga nangyari kanina. Pinakilala kami sa mga "pinsan" namin at sa mga "pamagkin" namin. Weird ng feeling pero wala wala lang din sa akin...ewan ko. Masama ba ako? Eh hindi ko kasi talaga sila kilala eh. Sorry na lang din.
Ayun, nagkulitan lang din kami ng mga pinsan ko. Buti na lang umuwi kami ng maaga. Niloloko kasi kami, sabi hanggang dinner daw kami dun. Lusaw na siguro kami ngayon. Nakakita kami ng mga bibe (ducks) bago umalis dun (quack, quack). Nag-sundae din kami ng McDo bago umuwi. Yey! :)
May mga nakuha akong mga litrato pero sa susunod ko na lang ilalagay. Tinatamad ako.
*****
Ah, nung isang araw, may taong nag-add sa akin sa YM na hindi ko kilala. Familiar yung pangalan pero syempre, hindi naman ako ganun kasigurado. Nagkataon na nag-online yung taong yun kagabi kaya tinanong ko kung sino siya. Tama nga ang hinala ko, siya nga yung schoolmate ko nung high school. Sabi nila, may itsura daw siya pero hindi ko rin naman alam o na-verify kasi hindi kami close eh. Nakikita ko siya pero yun lang yun. Boyfriend din siya ng kaibigan ko noon at nagka-issue din dahil biglaan siya umalis nun. Hahaha, chismis na ba ito? Redentor ang pangalan nya pero mas kilala ko siya as Moja. Ang cute noh? Naalala ko tuloy yung Anime na Mojako, hahaha :D
O, Moja, kung mabasa mo man ito, (at malamang ay oo dahil most likely ay sasabihan kita..) yey! Special mention ka sa blog ko. Feeling close na talaga tayo, hahaha.. :p
Nakakatawa din kami noh, kung kailan pa kami hindi na schoolmates at walang totoong connection sa isa't isa eh tsaka pa kami nakapag-usap. The power of YM nga naman. Amazing. Hello din kay Dodi na schoolmate ko din noon na inadd din ako sa YM tulad ni Moja..mga nag migrate na ka-batch :)
Anyway, ayun na muna. Ayusin ko pa yung kalat ng mga aso. Nginatngat yung lalagyan ng 1x1 ID pic ko eh. :( Buti na lang din, isa na lang yun.
(Sana naman hindi na lang noh. Hindi pa naman ako ganun ka pangit.)
Till the next entry. Malamang English mode na ulit ako. :DLabels: family, feeling close, memories, same as ever, swing, Taglish mode, thoughts, weird
~ isabel ~ posted @
Sunday, May 27, 2007,6:51 PM
.........................................................