(multiply)
Got this one from Ali..kinda bored eh coz I'm finally done with my finals..hahaha!
some of the items hindi naman applicable eh..but the other ones, well..ewan, haha :)
You look over the following list and see how many of these things you have done.
ADD up the money amount along the way. Then post the amount that you are as the title of the bulletin.
1. Had sex: P40.00
2. Smoked: P40.00
3. Drank alcohol: P20.00
4. Went skinny dipping: P40.00
5. Kissed someone of the opposite sex: P4.00
6. Kissed someone of the same sex: P20.00
7. Cheated on a test: P28.00
8. Fell asleep in class: P20.00
9. Been expelled: P40.00
10. Been in a fist fight: P40.00
11. Given oral: P40.00
12. Got oral: P40.00
13. Prank called the police: P40.00
14. Stole something: P40.00
15. Done drugs: P40.00
16. Dyed your hair: P20.00
17. Done something sexually with someone older (like a few years): P40.00.
18. Courted someone OVER 18 (if your under 18): P40.00
19. Ate a whole bag of oreos: P40.00
20. Cried yourself to sleep: P2.00
21. Said you love someone but didnt mean it: P4.00
22. Been in love: P20.00
23. Got caught doing something that you shouldnt have been doing: P40.00
24. Went streaking: P4.00
25. Got arrested: P40.00
26. Cuddled: P4.00
27. Peed in the pool: P20.00
28. Played spin the bottle: P40.00
29. Done something you regret: P20.00
Now add up and post as "I COST P....."
~ isabel ~ posted @
Thursday, August 30, 2007,8:53 PM
.........................................................
~ "nilagang baka" atbp. ~
(multiply)
Kausap ko ang Mommy at si Katrina ngayon.. :)
Sa totoo, sila lang naman talaga yung nag-uusap kasi hindi ko naiintindihan yung mga sinasabi nila..medical kasi eh..kaya sampid nanaman ako, hahaha :p
Nakakatawa lang talaga yung kwento ni Mommy kani-kanina lang tungkol sa pasiyente niya :)
Pinag-uusapan nila kanina yung medical condition na Aphasia. Hindi ko na masyadong paguguluhin ang utak niyo pero kasi ang problema dun eh tungkol sa language :)
May lola daw na pasiyente si Mommy na na-stoke. Yun kasi yung specialization niya..Rehab Med (hindi yung pang
drug addicts ah :p haha). Naikwento nung isang
Physical Therapist niya na nagka
-improvement na daw yung patient. Kasi dati hindi daw nagsasalita, pero ngayon nagsasalita na siya. Lahat ng sinasagot nya sa mga tanung eh
Nilagang Baka. So kunyari tinatanung siya ng, 'Kamusta ka na, Lola?' ang isasagot niya eh 'Nilagang Baka'. Nakakatuwa anu? HAHAHA! :p
Tatanungin ko na lang siya kung anung ulam nila mamaya para tama sagot niya, hehehe :)
Dahil tanung ako ng tanung tungkol sa Aphasia at kay Lola Nilagang Baka, sinasabihan ako ngayon ng Mom ko na mag OT (Occupational Therapy) daw ako :P Napaisip tuloy ako kung bakit nga ba ako hindi nagtuloy para sa isang
Medical Course..hmmmm..
Sabi ko na lang, pag nagsawa ako sa trabaho ko bilang isang
financial (fill in the blank), mag-aaral ako nun, hehe :) Mukhang masaya naman nga kasi eh :D Tingnan na lang natin... :)
********
Masaya kagabi dito sa bahay. Nandito sila Juno at Tessa eh. Napasigaw nga ako pagbukas ko ng pintuan kahapon, hahaha! House party at Poker night kagabi..freeflow food and drinks, haha! Tapos dumating din si Mika, Claud at Jannelle.
First time namin naglaro dito na may pera. Naglaro kami mula mga 9pm hanggang 2am. YEHEY! hahaha! :D Halata naman siguro kung bakit ko sinabi yun. Swerte rin kasi inaantok at nahihilo na ako nun. :D
Pagkatapos namin maglinis, nag-usap at nagtawanan kami sa labas ng bahay nila Jon, Juno at Hanna kasi bagsak na talaga yung iba dito. Natulog na rin kami ng mga 4am.
Ayun, nandito sila Mommy at Enzo ngayon at tinatamad akong mag-aral kaya nag-blog muna ako. *bow* hahaha :D
********
GOOD LUCK SA MGA MAY FINALS! :D
********
~ isabel ~ posted @
Sunday, August 26, 2007,1:25 PM
.........................................................
~ sa isang buwan na lang :p ~
Ay ang tanga!
May isusulat dapat ako..
Kaso hindi pa pala pwede..
Agosto pa kasi..
Eh hindi ko maaayos kung nagkataon..
Hayy naku, yung isa dyan, nagpahulaan na nanaman..
Naintriga nanaman tuloy ako..
(Chismosa ba? Oo eh, ganun talaga.. :p)
Naalala ko tuloy yung
Letters ko na sinulat dito dati..
HAHA :p
Hayy naku, sayang talaga. Hmp!
Di bale, sa susunod na buwan! :p
hahaha!
woot! ;p
Labels: curious, sayang, tanga
~ isabel ~ posted @
Friday, August 24, 2007,12:01 AM
.........................................................
~ para sa inyong impormasyon ~
(Sa multiply ako nagsusulat ngayon :p )
Ang lahat ng mga nababasa ninyo dito ay nakacross-post sa aking Blogger account. Ibig sabihin noon (para sa hindi nakakaalam) lahat ng sinusulat ko dito mula ngayon at lahat ng sinusulat ko gamit ang aking Blogger account ay lalabas sa dalawang lugar na nakatala maliban na lang kung alisin ko ang setting na iyon.
Sa mga naglalaan ng oras upang magbasa, maraming salamat sa pagdaan (kahit na wala naman talaga akong dapat ipagpasalamat dahil sariling kagustuhan nyo naman magbasa :p)
Malapit na matapos ang Agosto.
Magiging madali na ulit ang pagsulat (at pagbasa na rin) ng blog ko dahil maaari na akong mag Ingles ulit, hehehe.. (biro lang) :p
Matatapos na rin muli ang isa pang termino.
Parang kelan lang ay nagsulat ako tungkol sa unang linggo ng pagpasok para sa unang termino ng aking ikatlong taon sa kolehiyo.
Ang bilis talaga :p
Sige, yun lamang..napadaan lang :)
~ isabel ~ posted @
Thursday, August 23, 2007,8:48 AM
.........................................................
Nakakapanghinayang ang buhok na nawala sa akin kahapon lamang. Medyo matagal ko din yun pinahaba. Akala ko kasi konti lang talaga yung gugupitin eh bigla ko na lang napansin na parang ang tagal naman yata ni Ate Verna maggupit, hehehe. Ayun, malaki na pala yung nabawas. Pero wala na akong magagawa...nagupit na eh..hahaba naman ulit :) Mabuti na rin siguro kasi manipis na yung dulo nung buhok ko.
Nakakamiss lang talaga ang isang bagay pag wala na sa'yo :p
*****
*Salamat sa:*
*Masayang "bakasyon" at sa nakakatuwa (at nakaka-ewan :p) na hapunan kanina lamang :)*
Labels: "bakasyon", buhok, hapunan, salamat
~ isabel ~ posted @
Tuesday, August 21, 2007,11:53 PM
.........................................................
Dahil sa aking panata para sa Buwan ng Wika, kahit na ibig ko nang magsulat sa Ingles ay Tagalog pa rin ang aking gagamitin..hahaha :) Nakakatuwa ano? Para sa mga taong hindi mahilig magbasa ng Tagalog ay tila napaka-drama na ng mga sinusulat ko dito pero sa totoo lamang, sa tingin ko ay kung hindi dahil sa mga impluwensiya sa atin ng mga dayuhan, magiging ganito rin naman ang tono ng ating pananalita. Kaso lamang, wala. Taglish, Engalog o kaya naman..ang pa-sosyal na pagiging konyo ang kinalabasan nating lahat.
Napalayo ako, pasensiya na.
Ipod..hindi ito yung ginagamit para makinig ng mga kanta ah (I-pod yun eh). Para sa mga hindi nakakaalam, ang kahulugan ng salitang 'ipod' ay urong, o sa Ingles, move.
Halimbawa:
Umipod ka nga para maka-upo ako.
(Aah, yun pala yun, haha)
Dahil sa 3 araw na kawalan ng pasok, umipod na ng umipod ang aming iskedyul para sa terminong ito. Agosto 28 pa ang simula ng hulihang pagsusulit namin. Sa orihinal na plano ay wala na sana akong examin pagdating ng 25. Nakaka-badtrip ngunit mabuti na rin siguro na nawalan ng pasok. Mag-iisang linggo na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa mga kailangan naming gawin para sa aming mga kurso. Sabaw na sabaw na ako. Pahinga na rin ito kahit papano. (At karma para sa mga taong ayaw magbigay ng palugit para sa mga ipapasang gawain..beh! :p)
Masaya ako dahil nandito na sa wakas ang aking pinsan galing sa San Francisco. Matagal na panahon ko na siyang hindi nakikita. Sa sobrang tagal ay ako na ang tumutungo sa kanya imbis na tumingala.
Maligayang Pagdating, Ate Pao :)
Mahabang bakasyon na rin ito kahit papano. Hindi ko nga lamang alam kung itutuloy ang klase namin para sa Finbank bukas. Ewan ko ba sa kanya.
Gusto kong magpasalamat (kilala nyo na kung sino kayo). Para sa mga salita na nagpapalakas ng loob, mga kwentuhan,argumento, tawanan o simpleng pagbabahagi ng mga pangyayari mga buhay buhay natin. Hindi ko man masabi o maipahiwatig ng maayos, lubos akong nagagalak at natutuwa sa inyong lahat.
Huling salita:
Masaya na ako sa ganito at hindi na ako nagpupumilit sa mga bagay gaya ng dati.
Umipod na tayo.
(We've moved on :p)
Labels: extraordinarily ordinary but not really, ipod, Taglish mode
~ isabel ~ posted @
Friday, August 17, 2007,4:35 PM
.........................................................
Tumigil muna ako sa paggawa ng aking BONUS 15-point paper para sa Finbank. Sukang suka na ang utak ko sa pagsulat tungkol sa mga International Financial Institutions na para sa akin ay malaking pagsasayang lamang ng oras at papel. Kung hindi lamang ako nanganganib sa klaseng iyon ay hindi ko na ito pagsasayangan ng panahon ko. Ang dami pang ibang maaari at kailangang gawin na mas importante.
Ngayon ko lamang napansin na naka-100 na pala akong tala dito sa aking blogger. Wow, isang daang tala ng aking mga kalokohan, kababawan at kadramahan. Nakakaaliw, nakakatawa, nakakahiya, nakakatanga..at kung anu anu pa. Congratz sa akin. :p
Minsan iniisip ko kung bakit nga ba ako nagsusulat dito. Marahil ay para magpapansin sa kung sino mang ibig magbasa ng buhay ng may buhay...O kaya naman, nagpapalipas (at nagsasayang) lamang ako ng panahon ko para sa ibang bagay. Ewan ko ba. Minsan iniisip ko nang itigil at i-delete itong blogger account ko. Eh ewan ko ba. Marahil nasasayangan ako sa oras at emosyon na ginugol ko sa lahat lahat nang ito. Ayokong itapon na lang ng basta basta.
Naisip ko ngayon ngayon lang na siguro, kaya ko pinagpapatuloy ang pagsulat dito ay dahil may mga bagay na hindi ko talaga kayang sabihin o ipahiwatig gamit ang aking pananalita. Iniiwan ko na lamang sa pagsulat ang mga gusto kong sabihin. Ewan..sa dami ng mga bagay na tinatago ko, naiinggit talaga ako sa mga taong kayang sabihin ang kanilang damamin ng may kalayaan. Siguro, para sa ngayon, hanggang dito na lang muna ang kaya ko. Dadating din ang araw kong magsabi ng totoo.
Siya, siya, tama na ang drama. Gusto nang gumamit ni Katrina. At tatapusin ko na ang Finbank ko. PUUUUTEK! :pLabels: inggit, sikreto, Taglish mode
~ isabel ~ posted @
Sunday, August 12, 2007,2:28 PM
.........................................................
~ dahil naiinis ako sa isang tao.. ~
Nakalimutan ko ang panata kong gagawin kong Tagalog ang mga tala ko sa aking blog para sa buwan ng Agosto. Siguro hindi na rin naman masama na hindi ko nagawa iyon kasi may mga bagay talaga na mas makabubuti at mas mainam na naipapahiwatig gamit ang Ingles.
Para sa pamagat ng aking tala, siguro nga, naiinis ako ngunit hindi naman ito gaanong seryoso. Wala lang, may mga oras lang talaga na hindi ko napipigilan ang aking emosyon sa mga bagay bagay. Tao lang, tao lang.
Ewan ko, maaari rin naman hindi lamang siya nag-iisa. Maaaring marami sila (o kayo, kung nagkataong isa ka sa mga yun :p)
Dalawang araw na na walang pasok. Sana'y umuwi na lamang ako nung Miyerkules sa probinsya dahil anibersaryo ng nanay at tatay ko (kakalungkot, wala kami ni Kat doon).
080808 = 19 years :)
Okay, tinamad ako bigla. Sa susunod na lamang muli.
~ isabel ~ posted @
Thursday, August 09, 2007,5:49 PM
.........................................................
Kat went home the other day with a surprise inside her Dora the Explorer goodie bag. Tadah! It was a frog. It was a Friday night then and she was supposed to dissect it for the weekend so that she can study. So Dora (Kat named her such assuming that it was a female because it did not croak) spent her waiting time in a tumbler inside our bathroom. I kinda felt sorry for it but I can’t really do anything about it, can I?
I was supposed to witness the procedure the next day but Kat decided to go home to the province and do it there with Dad instead (coz if anyone can help her skin a frog, it’s definitely Dad :D). I on the other hand stayed here for the weekend for my field trip which I already blabbered about..see previous post. :)
Kat came back yesterday with Dora inside a jar of Kraft mayonnaise.
*****
Kat: Ay, Ate..alam mo na yung kwento?
Me: Na ?
Kat: Yung isang trabahador sa (Name of Cement), na-giniling daw yung arm sabi ni Dad tapos naging patient niya…(laughs)
Me: Ha?! Yuck…kawawa naman. Panu nangyari?
Kat: Basta nung nag-aayos ata sila ng equipment, may nakalimutan sila na alisin or something kaya yun. Giniling.
Me: Wow, kawawa naman.
Kat: And wala daw makalapit para tumulong sabi ni Dad.
Me: Malamang, kadiri yun eh. Kawawa siya lalo.
Kat: Yeah, no one was man enough to help daw. Pero ayun, inayos na lang nila Dad. Dami daw paper work now…busy.
Kat: Pero hindi pa daw yun yung worse accident sa planta..
Me: O? Anu daw?
Kat: Alam mo yung Crusher? Yung mga sa mga Lime panggawa ng cement sa planta? Yung paglabas powder na?
Me: O, anu daw nangyari?
Kat: May lalaki daw na nahulog dun. Hindi na daw nakita (laughs)
Me: As in wala? (Awkward laugh) Wow, kawawa naman…
Kat: Yup, sabi ni Dad vanished daw (laughs)
Me: Well, walang magagawa…accidents happen. Sana lang wag ako magka-accident ng ganun..
Kat: Yeah, I guess so.
Me: Pero wait, weird…wala man lang chunks or blood man lang? Kasi solid naman yung lime kaya magiging powder.
Kat: Wala eh, as in wala daw talaga.
Me: Well…I guess he’s probably part of a house or building somewhere…yeee..scary.
Your house, maybe? :p
Labels: Crusher, Dora, eww stuff
~ isabel ~ posted @
Monday, August 06, 2007,10:21 PM
.........................................................
Okay, Tagalog free-flow writing mode ako ngayon, hehe. Gusto ko sana magsulat kagabi kaso nga lang sobrang pagod na ako at kinailangan ko pang maglaba. Sinubukan ko rin ituloy yung powerpoint namin para sa Conadev namin pero wala, bagsak na ako. Pagod. Grabe.
Pagod ako kahapon kasi nag field trip kami sa Earth Haven Eco-Community para sa Enviphy namin. Sobrang hindi namin inexpect na ganun pala yung mga gagawin namin doon. Pamatay, hahaha! Simulan natin sa listahan ng pinadadala at yung ibang reaksyon ko nung binabasa ko:
extra DARK-colored t-shirt (huh? bakit dark? hmm..)
swimwear (physics camp? swimwear?!)
underwear (hmm..outing ba ito? overnight?)
goggles (ok, may swimming nga ata..hmm)
gloves (huh? anung klase kaya..rubber? hehe..)
insect repelant (ok, baka jungle adventure na may swimming??)
rubber shoes (okay..)
slippers (okay)
extra food (hihingi na lang ako, hehe..joke :p)
Kung hindi mo napansin, wala man lang nakalagay na towel, extra clothes, sabon o shampoo dyan sa mga pinadadalang yan. Dahil naisip ko na mahirap naman yatang magswimming ng walang mga ganun, nagdala na rin ako. So, okay..all set.
4 teams:
OLBI (mostly cbe batchmates..kami yun, yey! :p) ..PSYCS (physics at comsci ata)..PE2 (oo, pepe yung basa dyan. physics at engineering block daw eh.. :p)..KARAMCHANDANI (mga cla frosh na..hmmm.. :p)
mga activities:
pool events - walang chlorine yung pool at medyo green pa..o, di ba? :p haha..
spider web activity - yung dadaan ng hindi dapat lalapat sa web..natapos namin in 8 minutes :p
_____ - nakalimutan ko yung tawag pero may dalawang kahoy (left and right) na may lalagyan ng paa for 10 people tapos kailangan namin mag walk ng sabay sabay up to a certain point. Nagustuhan ko din ito kasi aliw pag nakuha nyo na yung timing..at best time kami dito: 1 minute and 22 seconds.. yey! :D
biogas - umakyat ng sooobrang taas para sa lecture at mabangong amoy ng input sa biogas..(kasi ang biogas, odorless yun..o di ba, nakinig ako sa lecture, hehe!) yey :p
pig grab - umayaw yung marami kasi nakakaawa yung pig..nanginginig-nginig na eh
mud crawl - pagkatapos nito, brown na at puro buhangin yung mga damit namin at n times akong dumura ng color brown..ayos! hehe.. ok na rin..best time din kami dito eh :p
obstacle course - mala-takeshi's castle (para dun sa may alam nung show na yun :p) pinaka-challenging pero nagustuhan ko na rin..okay lang lahat nung pinagawa kahit mahirap kaso yung tarzan swing sa huli talaga yung mahirap..nahulog ulit ako sa tubig na color brown..hehe :p
(pati prof namin na walang pampalit, nagtry dito..at nahulog din..twice pa nya ginawa..fighting spirit talaga noh? hehehe :p)
Ayun, ganun kami kahapon.. buti na lang din wala yung mga cellphone namin or else ang dami nang nakakahiya na pics..although may kasama din naman kaming nag pipicture (si toto at ang kanyang magandang carmera :p hehe ) .. So ngayon clear na kung bakit pinadala yung mga stuff na yun. Sana lang binigyan man lang kami ng warning kasi kawawa naman ako ngayon sa paglalaba nung stuff..lalo na yung (forgive me) underwear..ang hirap na paputiin..puro buhangin at dahon-dahon pa..hehe..oh well, okay na rin siguro kasi minsan lang naman yun mangyari..hello na lang kay amelie at jowee na putikan din kahapon..hehe at salamat din kay carmela at paulene para sa pagiging mga muse//cheering squad namin sa water/mud events..hehe :D
Thank you din sa mga cool naming teammates :D
Kahit hindi kami nanalo na best team, okay lang..cool pa din kami at inenjoy namin :)
Thank you din kay Ms. Marge OLBInado, hehe :) ang bait nya sooobra
GO Team OLBI!!
(rektikano, ol-bi-nado..rektikano, ol-bi-nado..rektikano 3x rah! hahahha! :p)
*****
Masama ako..pero hindi natin maitatanggi ang malaking possibilidad na mangyari yun. Sa ngayon, wala..palagay ko, naubos na ang pag-asa at pasensya ko. Siguro, ang masasabi ko na lang..Sayang.. pero ganun lang talaga siguro yun. Wala na sa akin ang kontrol sa mga bagay bagay. Bahala na siya at Siya dun.. :)
*****
Katatapos ko lang manuod ng Alfie kanina (hehehe, minsan na lang ako manuod ng tv kaya kahit madaming acads.. pagbigyan na..hehe :p) ng masasabi ko lang...
Jude Law = HOT
(hehehe)
Sa mga nagtatanung nga pala kung totoo na nandito si Josh Hartnett sa Pilipinas, OO, totoo yun! :D Nag-shshoot siya ng film dito.. At oo..
Josh Hartnett = HOT
(hehehe ulit :p)
Tama na nga, sabihin naman puro lalaki..hahaha :D
*****
May mga panahon talaga na masasabi mong nagkamali ka pala. Minsan nakakahiya. Minsan nakakapanghinayang din. Pero, anu bang magagawa mo, eh mali talaga eh. Bumawi ka na lang o kaya naman, sa susunod, ayusin mo ang mga pananaw mo at maging makatotothanan ka sa mga mga bagay-bagay. :)
At isa pang bagay.. Dapat kung mamumuna ka, siguraduhin mo na hindi ka ang siyang bagay na pinupuna mo dahil baka dumating ang isang araw na may pumansin din sa iyo at mapahiya ka pa ng todo todo. Mas mabuti nang nag-iingat :)
*****
Okay, tigilan ko na ito, MADAMI pa akong kailangan gawin..hehehehe..masama na talaga ang pag-cram. Kailangan baguhin na talaga, hehehe. Hanggang sa muli! :)
Labels: Enviphy, Josh Hartnett, Jude Law, payo, Taglish mode
~ isabel ~ posted @
Sunday, August 05, 2007,2:31 PM
.........................................................
~ looking back once more.. ~
The past weeks have been a little-but-not-really trip down memory lane. As cliche as it may sound, some current events have reminded me of those which have already long gone by. Most of them may be forgotten (or are being projected to be forgotten) but I still have a bunch of those moments frozen in the corners of my overly-dramatic and misused memory (hehe).
Well, besides my head, I have this already-trashy-looking-and-weird scrapbook (yeah, almost literally scrap! :p) i browsed through it a while ago and smiled, giggled, and laughed silly at the things I saw and read..
Here's a part of the 'Introduction' that I wrote down on January 1, 2005:
"..e2 and mga memoriz ko...so I can look back with a smile..d2 ko maaalala ang mga kalokohan at kababawan ko...hehe!"
(And yeah, I was right! hahahahaha! :p )
The scrapbook actually contained a lot of things. I don't even remember putting some of them there, but poof! There they were! :D
Here's an overview of the stuff I put inside. Some are funny and memorable..Others, well..since they're mine..it's ok for me to say they're kinda stupid, hahaha! :p
*lots of pictures with (sometimes silly) captions including:
-baby pics, haha! :p
-class pictures from prep to 3rd year HS (i think)
-growing up pics (eww, haha!)
-group pics
-college pics..mostly frosh year pics :p
*diary entries
-summer after I graduated high school (hahahaha! most are funny but still kinda embarrassing! :p)
-a bit of my frosh years but then I got busy and didn't have time to update stuff anymore (aww)
*other stuff
-'memorable' stuff like receipts, bullet shells, notes and the like..
-a crush list (BWAHAHAHA!) which was written in coded letters (LOUDER BWAHAHAHA! :p)
Anyhoo, there.. I keep thinking why I love remembering stuff (through diaries, things..) and why I have this (not really serious but present) fear of losing my memory (yeah, no to Alzheimer's Disease, please! haha). Maybe it's connected with that quote I keep on receiving through text but, for now, I really can't explain..
Well, obviously, there was a transition from written diaries, to online ones, like this one..hehe :)
So why have I wasted time (yours and mine, dear reader) with this entry? No real reason I guess. Maybe I just want to preserve this memory of me reminiscing right now (hahaha! :p)
As I closed my scrapbook, I realized that looking back at things must come to an end..well, not really end but, well..you must stop, breathe then finally move one... What's good about it is that as you stop dwelling on things, you make more room for more memories and when you open your 'scrapbook' again, you'll have much much more to be happy about.
To end this one, I would have to say that I really love looking back on things. They leave you much room for 'what ifs' or 'wish i just...' or just plain leave you laughing at your immaturity :p. Nonetheless, even if memories are there..everything had happened and there's nothing more we can do about it..we can always do something else:
"..You cannot do anything about that because it's already in the past..but you can still do something about the future.." (or something to that effect, hehe)
-- Dr. M. Malaya on our low quiz scores (hehe), Comsta2
(yeah, i'm being overly dramatic again! :p)
~ make each day count :)
Labels: memories, scrapbook
~ isabel ~ posted @
Friday, August 03, 2007,2:01 AM
.........................................................
~ 10 thoughts plus some ~
1. It's funny..after not being able to say a lot of things, time passes by then you get better and you start saying stuff more and more and laugh about it a lot. hahahaha... :D
2. No matter how 'OK' you are as a person, there will always be somebody who won't ever like you..and even if you try so hard, that will even make the person hate you more..haha :p
3. I guess it pays to have a great memory..unfortunately, even if I do have it (at least I think I do :p) , I think I'm not using it at the right places/times..hahaha :p
4. Must do well in conadev (yuck, ang nerd!)
5. At last, someone had made his move after a loooooong time. I am yet to know what happens next..We shall see :p
6. Change of route for trips to and from school...Well, depending on my mood. :p
7. Thank you to my high school friends..nakakamiss!! :p
8. Ah, so SHE's the one...hmmm...not bad :p hehe
9. Thank You :D
10. NO CLASS FRIDAY!!! hmmm..mixed. :p enviphy saturday morning..uhhhh.. :p
me=lazy and slacking off again for the nth time..hayy naku! :p
chessa says: 'hindi mo talaga ma-dedeny na pag tumatanda, nagiging tamad na..'
all agree, hahaha! :p
anyhoo..just updated, i'm out! :pLabels: not in the mood for too many labels, thankful
~ isabel ~ posted @
Thursday, August 02, 2007,12:17 AM
.........................................................