Okay, Tagalog free-flow writing mode ako ngayon, hehe. Gusto ko sana magsulat kagabi kaso nga lang sobrang pagod na ako at kinailangan ko pang maglaba. Sinubukan ko rin ituloy yung powerpoint namin para sa Conadev namin pero wala, bagsak na ako. Pagod. Grabe.
Pagod ako kahapon kasi nag field trip kami sa Earth Haven Eco-Community para sa Enviphy namin. Sobrang hindi namin inexpect na ganun pala yung mga gagawin namin doon. Pamatay, hahaha! Simulan natin sa listahan ng pinadadala at yung ibang reaksyon ko nung binabasa ko:
extra DARK-colored t-shirt (huh? bakit dark? hmm..)
swimwear (physics camp? swimwear?!)
underwear (hmm..outing ba ito? overnight?)
goggles (ok, may swimming nga ata..hmm)
gloves (huh? anung klase kaya..rubber? hehe..)
insect repelant (ok, baka jungle adventure na may swimming??)
rubber shoes (okay..)
slippers (okay)
extra food (hihingi na lang ako, hehe..joke :p)
Kung hindi mo napansin, wala man lang nakalagay na towel, extra clothes, sabon o shampoo dyan sa mga pinadadalang yan. Dahil naisip ko na mahirap naman yatang magswimming ng walang mga ganun, nagdala na rin ako. So, okay..all set.
4 teams:
OLBI (mostly cbe batchmates..kami yun, yey! :p) ..PSYCS (physics at comsci ata)..PE2 (oo, pepe yung basa dyan. physics at engineering block daw eh.. :p)..KARAMCHANDANI (mga cla frosh na..hmmm.. :p)
mga activities:
pool events - walang chlorine yung pool at medyo green pa..o, di ba? :p haha..
spider web activity - yung dadaan ng hindi dapat lalapat sa web..natapos namin in 8 minutes :p
_____ - nakalimutan ko yung tawag pero may dalawang kahoy (left and right) na may lalagyan ng paa for 10 people tapos kailangan namin mag walk ng sabay sabay up to a certain point. Nagustuhan ko din ito kasi aliw pag nakuha nyo na yung timing..at best time kami dito: 1 minute and 22 seconds.. yey! :D
biogas - umakyat ng sooobrang taas para sa lecture at mabangong amoy ng input sa biogas..(kasi ang biogas, odorless yun..o di ba, nakinig ako sa lecture, hehe!) yey :p
pig grab - umayaw yung marami kasi nakakaawa yung pig..nanginginig-nginig na eh
mud crawl - pagkatapos nito, brown na at puro buhangin yung mga damit namin at n times akong dumura ng color brown..ayos! hehe.. ok na rin..best time din kami dito eh :p
obstacle course - mala-takeshi's castle (para dun sa may alam nung show na yun :p) pinaka-challenging pero nagustuhan ko na rin..okay lang lahat nung pinagawa kahit mahirap kaso yung tarzan swing sa huli talaga yung mahirap..nahulog ulit ako sa tubig na color brown..hehe :p
(pati prof namin na walang pampalit, nagtry dito..at nahulog din..twice pa nya ginawa..fighting spirit talaga noh? hehehe :p)
Ayun, ganun kami kahapon.. buti na lang din wala yung mga cellphone namin or else ang dami nang nakakahiya na pics..although may kasama din naman kaming nag pipicture (si toto at ang kanyang magandang carmera :p hehe ) .. So ngayon clear na kung bakit pinadala yung mga stuff na yun. Sana lang binigyan man lang kami ng warning kasi kawawa naman ako ngayon sa paglalaba nung stuff..lalo na yung (forgive me) underwear..ang hirap na paputiin..puro buhangin at dahon-dahon pa..hehe..oh well, okay na rin siguro kasi minsan lang naman yun mangyari..hello na lang kay amelie at jowee na putikan din kahapon..hehe at salamat din kay carmela at paulene para sa pagiging mga muse//cheering squad namin sa water/mud events..hehe :D
Thank you din sa mga cool naming teammates :D
Kahit hindi kami nanalo na best team, okay lang..cool pa din kami at inenjoy namin :)
Thank you din kay Ms. Marge OLBInado, hehe :) ang bait nya sooobra
GO Team OLBI!!
(rektikano, ol-bi-nado..rektikano, ol-bi-nado..rektikano 3x rah! hahahha! :p)
*****
Masama ako..pero hindi natin maitatanggi ang malaking possibilidad na mangyari yun. Sa ngayon, wala..palagay ko, naubos na ang pag-asa at pasensya ko. Siguro, ang masasabi ko na lang..Sayang.. pero ganun lang talaga siguro yun. Wala na sa akin ang kontrol sa mga bagay bagay. Bahala na siya at Siya dun.. :)
*****
Katatapos ko lang manuod ng Alfie kanina (hehehe, minsan na lang ako manuod ng tv kaya kahit madaming acads.. pagbigyan na..hehe :p) ng masasabi ko lang...
Jude Law = HOT
(hehehe)
Sa mga nagtatanung nga pala kung totoo na nandito si Josh Hartnett sa Pilipinas, OO, totoo yun! :D Nag-shshoot siya ng film dito.. At oo..
Josh Hartnett = HOT
(hehehe ulit :p)
Tama na nga, sabihin naman puro lalaki..hahaha :D
*****
May mga panahon talaga na masasabi mong nagkamali ka pala. Minsan nakakahiya. Minsan nakakapanghinayang din. Pero, anu bang magagawa mo, eh mali talaga eh. Bumawi ka na lang o kaya naman, sa susunod, ayusin mo ang mga pananaw mo at maging makatotothanan ka sa mga mga bagay-bagay. :)
At isa pang bagay.. Dapat kung mamumuna ka, siguraduhin mo na hindi ka ang siyang bagay na pinupuna mo dahil baka dumating ang isang araw na may pumansin din sa iyo at mapahiya ka pa ng todo todo. Mas mabuti nang nag-iingat :)
*****
Okay, tigilan ko na ito, MADAMI pa akong kailangan gawin..hehehehe..masama na talaga ang pag-cram. Kailangan baguhin na talaga, hehehe. Hanggang sa muli! :)
Labels: Enviphy, Josh Hartnett, Jude Law, payo, Taglish mode