(multiply)
Kausap ko ang Mommy at si Katrina ngayon.. :)
Sa totoo, sila lang naman talaga yung nag-uusap kasi hindi ko naiintindihan yung mga sinasabi nila..medical kasi eh..kaya sampid nanaman ako, hahaha :p
Nakakatawa lang talaga yung kwento ni Mommy kani-kanina lang tungkol sa pasiyente niya :)
Pinag-uusapan nila kanina yung medical condition na Aphasia. Hindi ko na masyadong paguguluhin ang utak niyo pero kasi ang problema dun eh tungkol sa language :)
May lola daw na pasiyente si Mommy na na-stoke. Yun kasi yung specialization niya..Rehab Med (hindi yung pang
drug addicts ah :p haha). Naikwento nung isang
Physical Therapist niya na nagka
-improvement na daw yung patient. Kasi dati hindi daw nagsasalita, pero ngayon nagsasalita na siya. Lahat ng sinasagot nya sa mga tanung eh
Nilagang Baka. So kunyari tinatanung siya ng, 'Kamusta ka na, Lola?' ang isasagot niya eh 'Nilagang Baka'. Nakakatuwa anu? HAHAHA! :p
Tatanungin ko na lang siya kung anung ulam nila mamaya para tama sagot niya, hehehe :)
Dahil tanung ako ng tanung tungkol sa Aphasia at kay Lola Nilagang Baka, sinasabihan ako ngayon ng Mom ko na mag OT (Occupational Therapy) daw ako :P Napaisip tuloy ako kung bakit nga ba ako hindi nagtuloy para sa isang
Medical Course..hmmmm..
Sabi ko na lang, pag nagsawa ako sa trabaho ko bilang isang
financial (fill in the blank), mag-aaral ako nun, hehe :) Mukhang masaya naman nga kasi eh :D Tingnan na lang natin... :)
********
Masaya kagabi dito sa bahay. Nandito sila Juno at Tessa eh. Napasigaw nga ako pagbukas ko ng pintuan kahapon, hahaha! House party at Poker night kagabi..freeflow food and drinks, haha! Tapos dumating din si Mika, Claud at Jannelle.
First time namin naglaro dito na may pera. Naglaro kami mula mga 9pm hanggang 2am. YEHEY! hahaha! :D Halata naman siguro kung bakit ko sinabi yun. Swerte rin kasi inaantok at nahihilo na ako nun. :D
Pagkatapos namin maglinis, nag-usap at nagtawanan kami sa labas ng bahay nila Jon, Juno at Hanna kasi bagsak na talaga yung iba dito. Natulog na rin kami ng mga 4am.
Ayun, nandito sila Mommy at Enzo ngayon at tinatamad akong mag-aral kaya nag-blog muna ako. *bow* hahaha :D
********
GOOD LUCK SA MGA MAY FINALS! :D
********